Nung nag resign ako sa corporate job ko nung 2019 dahil naisip kong mas kailangan ako ng anak ko sa bahay. Excited na excited ako non dahil sabi ko, "mas madami akong magagawa." Imagine nung nagtatrabaho ka ng 8am to 5pm job, ang hirap diba? Kasi gigising ka ng 5am para mag-ayos, maligo, kumain. Kung nanay ka pati mga anak mo ipaghahanda mo rin yan para sa school bago pumasok. Magluluto ka ng breakfast, tapos andyan pa yung magpaplantsa ka pa ng uniform tapos nagsa shine ng sapatos habang nagsisipilyo. My gosh ang hirap ha!!
So, dumating yung pandemic. Eto na, nauso na ang WORK FROM HOME or Freelancing. Depende pa yan kasi may mga company na napilitan magpatupad ng work from home set up dahil nga lumala ang pandemic. Pero, may ilan ilan (actually, dumami) ang nagresign dahil nga sa pagaakalang madali lang.. Well, sa totoo lang madali lang naman talaga, dahil hindi mo nga naman kailangan gumising ng maaga para lang magwork di ba? At ang malupit pa don hindi ka na malelate dahil wala ka ng rason matrapik. Di ba bongga? Pero, pero, pero! Depende pa rin talaga. Ako kasi bilang nanay. Madami talagang ginagawa. So hindi parin ganon kadali. By the way sa aming mga nag resign ang tawag na sa amin ngayon ay Freelancer or Virtual Assistant sa karamihan.
So, i-debunk natin ang mga MYTHS na yan dahil hindi naman porke't work from home ka eh, madali at masarap na ang buhay mo, oy!
❌ Nakakapaglinis pa habang nagtatrabaho, nakakapagluto, napapaliguan parin ang mga kids, at nakakapag "Me Time"
✅ Sorry to say pero, hindi po ito totoo. Hindi dahil sa bahay ka nagtatrabaho e magagawa mo ng lahat ng household chores mo or magkakaron ka pa ng "me time" para sa sarili mo. Pag nagtatrabaho ka, maglalaan ka parin ng oras sa trabaho mo dahil TRABAHO YAN E. Natural dyan ka parin nakatutok di ba? Ano yun? Nagta type ka habang binabaligtad ang piniprito mong bangus sa kawali? Or, naglalampaso ka habang pinapagalitan ka ng boss mo sa kabilang linya (Pwede no? Para dun mo nalang ibuhos yung inis mo sa boss mo? Ahehehe.) Pero kidding aside, no! Hindi pwede yan. Kapag nagtatrabaho ka ang focus mo parin ay nasa deadline. Ang pinakamagandang gawin since hindi mo na naman kailangan bumyahe ng isa hanggang sa dalawang oras dahil sa trapik at makipag buno sa kapwa mo pasahero sa jeep papasok at pauwi. Ibudget mo nalang ang time mo. Para magawa mo yung dapat mong gawin.
❌ Malaki ang kita sa freelancing 6 digits pwede ng bumili ng bahay at lupa isama mo pa ang kotse! Pwede na yang utangan!!
✅ Ayan tayo eh. No, sorry to say, hindi lahat. Alam nyo ba sa dami ng freelancers sa market ngayon, pababaan narin ang sweldo ng iba? Lalo pa ngayon at nakikita ng mga clients na ang dami dami ng freelancers worldwide. Makikita nyo sa Upwork (isa sa freelancing platforms) ang dami ng freelancers dyan. Pag naghanap ka ng trabaho dyan makikita nyo ang dami na rin nag aaply kaya kung minalas malas ka, pang 50++ applicants ka sa isang job post. Tapos malas malasin ka $3 per hour lang ang offer sayo. So hindi pa din ganun kalaki kasi kung iko compute mo halos P24,000 parin ang kita sa $3 per month depende sa exchange rate ng Dollar to Philippine Peso. Maari kang kumita ng malaki, kung maganda ang skill set mo, it requires a lot of hard work din syempre. Pwede ka namang kumuha ng more than one client kung kaya mo, apply lang ng apply. Pero make sure na kaya mo ang work load, dahil pag dumami ang client mo at hindi mo na maasikaso isa man dyan, mapapalitan ka agad.
❌ Hindi naman kailangan ng experience dito e, kahit walang experience gora na!
✅ Depende sa trabaho na gusto mong aplyan, merong mga agency ngayon na nag ooffer ng libreng training para matuto ka pero, minsan need parin nila ng merong experience. Lalo na kung ang work na makikita mo ay direct client. Ang mga client kasi na ito kaya sila kumukuha ng VA dahil busy na sila. Busy na nga sila e, kaya karamihan wala ng time to train you what to do. Expected na nila na pag nag apply ka alam mo na ang gagawin mo. Dapat you can stand on your own. Natural yan. Kaya make an effort to research, prepare and train yourself how to be a VA. Kung halimbawang may BPO experience ka, that's good! Makakatulong sa iyo yan. Madami narin ngayong mga small players na company ang nag a outsource sa freelancers.
❌ Madali lang maghanap ng clients.
✅ Uy hindi ha! Sa dami ng freelancers ngayon ang hirap narin maghanap ng client. Hindi ganun kadali. Isipin mo, hindi lang mga freelancers sa Pilipinas ang kalaban mo. Andyan ang Nigeria, India, Australia, UK, US. Hindi lang sa Pilipinas uso ang freelancing. BUONG MUNDO. Kaya lahat yan kakumpetensya mo sa pagaapply sa isang job post or client. So, malamang depende yan sa skill set, rate ng sweldo at sa galing mong sumagot sa interview. Matik na yan. Kaya ang maganda mong gawin. Kung paumpisa ka palang, build your portfolio. Iba parin kasi pag may nakikita ang client na gawa mo, mas may edge. For example graphic artist ka. Gawa ka ng portfolio mo. Customer agent ka dati, mag record ka ng voice sample mo para madinig nila na, Whoa! Inglis aksint. Ilan lang yan sa mga pwede mong gawin to show na handa kang makipag compete sa world market.
❌Stable job ito!
✅ Hindi lahat! Hindi porke't contract ay stable na. Yes, need ng contract dahil syempre sa bawat deals dapat may kontrata hindi ba? Pero hindi ibig sabihin non ay stable or forever na. Unless na sinuwerte ka at big company na ang napasukan mo, at stable ang company na yon. Pero may ilan ilan na hindi. Lalo pa per client ang mapapasukan mo. Depende parin.
❌ Magreresign na ako ang dali lang maging VA
✅ Basahin mo ulit yung blog na to mula sa umpisa tapos ikaw na ang sumagot kung myth ba ito or fact. Hehehehe.
Huwag kang magpasilaw masyado sa ibang napapanood mo sa Facebook or Instagram about their freelancing jobs. Kasi sa real world, need parin talaga ng hard work kapag pinasok mo ang freelancing. Yes, malaking tulong ito. At maganda sa totoo lang. Pero hindi lahat nag sa succeed. Depende kasi yan sa motivation mo sa paghahanap ng client, skill at ability. Hindi porket si Juan ay nagtaumpay si Pedro ay ganun din. Kasi maaring si Juan ay mas matyaga kesa kay Pedro kaya malaki ang kita nya, hindi ba?
Pwede namang test the waters muna. HUWAG ka munang mag resign sa trabaho mo ngayon. Mag part-time ka. Check mo kung ang mga work na available sa market ay para sa iyo or kaya mo. Kung kaya mo GORA! At saka wag na wag ka agad magreresign kung wala pang kapalit na trabaho! Golden rule yan. OKay??!!!
Ciao! Tell next blog!
No comments:
Post a Comment