Wednesday, May 1, 2024

Nabubully Na Pala Ang Anak Ko Sa School Hindi Ko Pa Alam.


Isa ang anak ko sa naging biktima ng pambu-bully sa kanyang eskwelahan. Dahil delayed ang speech ng anak ko hindi sya makapagsumbong sakin. May mga small things syang nakukuwento sakin nung bumalik sila sa face-to-face nung 2022. Pero dahil hindi pa sya ganoon kalinaw magsalita hindi nya na express ng maigi ang gusto nyang sabihin sa akin. Hanggang sa 2023 unti unting luminaw ang sumbong sa akin ng bata.

Madaming small things na sumbong ang pinalagpas ko, at hindi ko narealize na nabubully na pala sya. Hanggang isang araw hindi na nya matiis at umiyak na sya sakin. Duon ko naramdaman na hindi na ito biro. Totoo na ito, nabu bully na talaga sya sa school.


Ang unang sumbong na naintindihan ko sa kanya ay yung insidente na natulak sya ng tatlo nyang kaklase. Pinalagpas namin yong magasawa dahil inisip nalang namin na "mga bata eh" minsan hindi talaga maiiwasang magkatulakan, magharutan at minsan nauuwi sa sakitan.


Pero yung time na umiyak na sya sakin paguwi nya ng bahay galing sa school. Nagkukwento habang umiiyak at pinapakita ang notebook na binaboy ng kaklase. Ang talagang nagpapintig ng tenga ko ay yung madinig mong umiiyak ang anak mo. Kantiin ka na, paiyakan ka na. Wag lang ang anak mo. 


Binaboy pala ang notebook nya, at sinulatan ang Polo shirt ng lapis. Although lapis lang yon, nabubura, pero yung sakit na dinulot sa damdamin ng anak ko. Yun ang hindi ko mapigilan. Galit na galit ako. Pero pinilit ko parin magtimpi. Pangalawang sumbong na kasi sakin yon ng anak ko na medyo malinaw ang pagkakasabi. Bukod pa sa mga ilang sumbong na hindi malinaw nung nakaraang taon. 


Kinausap ko na ang asawa ko. Sabi ko, "Hindi na pwede to. Ang laki na ng impact sa damdamin ng bata. Iba na kapag umiyak. Ibig sabihin lang non, nasaktan. Hindi man pisikal pero emotional." Kinabukasan din umaksyon kami. Hindi na namin pinalagpas. At sinugurado na naming hindi na iyon mauulit. 


Ano nga ba ang bullying?

Ayon sa Unicef. Maa identify mo ang bullying sa tatlong charateristcs: intent, repetition and power. Ang mga taong nangbubully ay may intentsyon na manakit, either through pisikal or sa pananakit na pananalita, at paulit ulit nila itong ginagawa, maaring sa isa o iba ibang tao. 


Ang mga batang lalaki ay madalas nakakaranas ng pisikal bullying habang ang mga batang babae naman ay psychological bullying. Trend na, na ang madalas biktima ng nabu bully ay yung mga mahihinang bata, or yung walang tendency lumaban at magsumbong sa magulang. Takot or, hindi naiintindihan na nabubully na sila hanggang maramdaman na nila  ito. 


Bakit napakaimportante na malaman natin kung nabubully ang anak natin?

Napakalaki ng impact ng bullying sa bata. Maari yang mauwi sa emotional and mental health problems. Makakaapekto ito sa kanilang paglaki at maging sanhi ng depresion at anxiety. Worst that can happen may lead to suicide. Kaya kailangang kailangan na tanungin nyo ang inyong anak. Check with them once in a while. 

"What's going on at school?"

Tanungin nyo sila, kumusta ang araw nila? Hindi naman kailangan ng masinsinang intorregation. Yung sakto lang, magpakwento kayo kung ano ang nangyari sa school gaya ng activities, or events. Saka nyo unti untiing tanungin kung masaya ba sya or hindi sa school, or kung meron ba silang  gustong sabihin sa inyo. Mahalaga ang communication between you and your child. Hindi dahil busy tayo ay excuse na ito para makalimutan nating kausapin ang ating mga anak. 

Hindi naman makakabawas sa ating pahinga ang pangangamusta. Ilang minuto lamang naman ito. Mas mahalaga naman ang anak natin hindi ba? 


Turuan ang iyong mga anak tungkol sa kung ano ang itinuturing nilang mabuti at masamang pag uugali sa paaralan, sa komunidad, at online. Dapat ay bukas ang komunikasyon mo sa iyong mga anak para maging komportable silang sabihin sa iyo kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Napakaimportante nito kesa magsisi sa huli. Remember, mas importante ang anak mo. Nagtatrabaho ka dahil sa kanila at para sa kanila. Kaya huwag mo din silang i neglect. Maglaan ng oras para kausapin sila at kumustahin. Kaya mo yan, momsh. 


Note: abangan ang aking podcast about deep topic sa bullying. I follow ang aking Facebook Page para manotify sa links na aking ibibigay. 

Please follow my Facebook Page: Facebook
Please follow my Podcast: Podcast Ng Ina Nyo!! on Apple Podcasts
Please follow my YouTube Channel: Ang Praktikal Ng Ina Nyo - YouTube




.




No comments:

Post a Comment