Wednesday, May 15, 2024

Paano Pagtanda Mo? Wala Kang Pensyon???

 


Hindi biro ang walang pera sa pagtanda. Dahil hindi naman tayo pwedeng umasa sa mga anak natin pagdating sa pera. Hindi naman porke't napalaki mo ang anak mo ng maayos sa pagtanda mo aasa ka nalang sa kanila. Kaya napaka importante ng pensyon. Hindi porke't nasa bahay lang tayo at walang trabaho ay hindi na natin ito iisipin hindi ba? 


Isa ang SSS sa semi government na institution na pwede mong makuhaan ng pensyon sa inyong retirement. Pero kailangan mong maghulog buwan buwan before ka mag retiring age. Lahat ng nagtatrabaho ay obligadong kumuha ng SSS. Pwera nalang sa mga nagtatrabaho sa gobyerno dahil ang katumbas ng SSS sa kanila ay GSIS. Pero hindi porke't nasa gobyerno ka ay hindi ka na pwedeng kumuha or maging myembro ng SSS. Dahil pwede kang mag register sa online portal ng kusa mo. 


Kung hindi ka pa myembro ng SSS ano ang maaring gawin? 

Pumunta sa SSS Website at mag register dito. 


Or maari kayong pumunta sa malapit na SSS Satellite branch sa inyong lugar para magparegister. 

Wala akong trabaho, housewife lang ako. Pwede ba ako? 

Yes, kahit sino ay maaring mag register sa SSS, basta piliin nyo lang ang tamang category na ibibigay nyo upon your registration. Kapag wala kang  trabaho, ang pipiliin mo ay Voluntary Memberbership. 


Natigil ako sa trabaho. At kasalukuyang wala akong trabaho ngayon. Pwede ko bang ituloy? 

Yes, pwede. Pwede mong palitan ang status mo as employed to Voluntary. At magbayad buwan buwan. Pwede mong i update ang status mo sa kanilang office or online. 

Magkano ang hulog buwan buwan? 

Para sa siguradong calculation. Check nyo ang ang SSS website na ito: SSS Contribution Table 2024 - New Rates And Payment Schedule (ssspensioncalc.com)

mababasa nyo rin dito ang benepisyong maari nyong makuha kung itutuloy nyo o magsisimula kayong maging myembro ng SSS. Ilan ilan lang dito ang maternity benefits, pension, loans at marami pang iba. 



Paano ko babayaran ang contribution kung voluntary member ako? 

Kumuha muna ng PRN (Payment Reference Number) sa kanilang website or sa SSS app. Kailangan mo itong ibigay kung magbabayad ka directly sa branch or sa app kung nai-download mo na sa iyong phone. Available ito sa Android, iOS or IpadOS



Meron na din option ngayon para sa Auto Debit Arrangement kung meron kayong bank account sa mga sumusunod na banko: 







Tandaan isipin din natin ang ating kapakanan. Dahil sa ating pagtanda hindi pwedeng aasa lang tayo sa ating mga anak o kamag anak. Maiigi na meron parin tayong sariling pera. Ang paghuhulog sa SSS or inyong pensyon ay isang investment para sa inyong kinabukasan. Huwag nyong isipin na ito'y gastos. Dahil mapapakinabangan nyo din ito sa inyong pagtanda. 



 


Please follow my Facebook Page: Facebook
Please follow my Podcast: Podcast Ng Ina Nyo!! on Apple Podcasts
Please follow my YouTube Channel: Ang Praktikal Ng Ina Nyo - YouTube

Friday, May 3, 2024

Paano Ang Pagkuha Ng PSA Birth Certificate Online? (A Guide To Busy Momsh Like Us!)

 



OO, naiintindihan ko kayo. Mahirap nga pumunta at pumila sa PSA office kahit satellite branch lang yan, dahil bukod sa ang dami dami nating ginagawa bilang mga nanay, nako, ang hassle pang pumila at ang init hindi ba? Kaya naman eto ang guide sa inyo mga momshies kung paano mapapagaan ang buhay nyo sa pagkuha ng Birth Cert ni baby. Pwede din kayong kumuha ng Mariage Certificate, Death Certificate at Cenomar online. 


Sundan lamang ang easy steps na ito: 

Step 1: Mag log in sa PSA Website at piliin ang gusto nyong i requiest sa pamamagitan ng pag click ng "Request Now" button: 





Step 2 :Pag ka click mo ng "Request Now" button dadalin ka sa Terms and Conditions page at kailangan mong i tick ang agree button sa bandang ibaba as shown below: 

Step 3: Sagutin ang mga katanungan: 


Step 4: Mag Fill out ng form ng inyong information. Lahat ng mga box na may * asterisk ay kailangan nyong lagyan kung hindi ay hindi kayo makakapunta sa susunod na step


Step 5: Ilagay ang delivery address kung saan ipapadala ang Birth Certificate. Pwedeng delivery or kung wala kang delivery address sa kung ano mang kadahilanan, pwede mo din kunin sa LBC Branch of your choice. 



Step 6: I confirm kung  tama ang infomation na inyong nilagay.





Step 7: Magbayad sa mga payment channels na ito: 

Over-the-counter payment channels
  1. Bayad Center Outlets
  2. Any BDO Branch
  3. BDO ATM
  4. Any UnionBank Branch 
  5. Union Bank ATM
  6. BDO Remit Subsidiar 
Via Online Payment Channels
  1. Credit card (Visa, Mastercard)
  2. BDO Online Banking
  3. UnionBank Online Banking


Pagkatapos magbayad ano ang gagawin?

Antayin ang inyong document na ma deliver ng LBC. Make sure lang na kayo ang mag rereceive dahil ang mga delivery riders ay instructed na WAG ibigay ang inyong document sa kahit kanino bukod sa inyo dahil sa Privacy Act law ng Pilipinas. Usually it takes 3 - 4  days within Metro Manila pero 7-8 days pag nasa probinsya para sa delivery (estimated timeline lang ito, it could be shorter or longer than expected.)

Magkano ang Birth Certificate?  

Ano ang link ng PSA Website? 




Sana nakatulang ang step by step guide na ito kung paano makakuha ng Birth Certificate online. At sana napadali ko ang inyong buhay. Thanks for reading!

Please follow my Facebook Page: Facebook
Please follow my Podcast: Podcast Ng Ina Nyo!! on Apple Podcasts
Please follow my YouTube Channel: Ang Praktikal Ng Ina Nyo - YouTube







Wednesday, May 1, 2024

Nabubully Na Pala Ang Anak Ko Sa School Hindi Ko Pa Alam.


Isa ang anak ko sa naging biktima ng pambu-bully sa kanyang eskwelahan. Dahil delayed ang speech ng anak ko hindi sya makapagsumbong sakin. May mga small things syang nakukuwento sakin nung bumalik sila sa face-to-face nung 2022. Pero dahil hindi pa sya ganoon kalinaw magsalita hindi nya na express ng maigi ang gusto nyang sabihin sa akin. Hanggang sa 2023 unti unting luminaw ang sumbong sa akin ng bata.

Madaming small things na sumbong ang pinalagpas ko, at hindi ko narealize na nabubully na pala sya. Hanggang isang araw hindi na nya matiis at umiyak na sya sakin. Duon ko naramdaman na hindi na ito biro. Totoo na ito, nabu bully na talaga sya sa school.


Ang unang sumbong na naintindihan ko sa kanya ay yung insidente na natulak sya ng tatlo nyang kaklase. Pinalagpas namin yong magasawa dahil inisip nalang namin na "mga bata eh" minsan hindi talaga maiiwasang magkatulakan, magharutan at minsan nauuwi sa sakitan.


Pero yung time na umiyak na sya sakin paguwi nya ng bahay galing sa school. Nagkukwento habang umiiyak at pinapakita ang notebook na binaboy ng kaklase. Ang talagang nagpapintig ng tenga ko ay yung madinig mong umiiyak ang anak mo. Kantiin ka na, paiyakan ka na. Wag lang ang anak mo. 


Binaboy pala ang notebook nya, at sinulatan ang Polo shirt ng lapis. Although lapis lang yon, nabubura, pero yung sakit na dinulot sa damdamin ng anak ko. Yun ang hindi ko mapigilan. Galit na galit ako. Pero pinilit ko parin magtimpi. Pangalawang sumbong na kasi sakin yon ng anak ko na medyo malinaw ang pagkakasabi. Bukod pa sa mga ilang sumbong na hindi malinaw nung nakaraang taon. 


Kinausap ko na ang asawa ko. Sabi ko, "Hindi na pwede to. Ang laki na ng impact sa damdamin ng bata. Iba na kapag umiyak. Ibig sabihin lang non, nasaktan. Hindi man pisikal pero emotional." Kinabukasan din umaksyon kami. Hindi na namin pinalagpas. At sinugurado na naming hindi na iyon mauulit. 


Ano nga ba ang bullying?

Ayon sa Unicef. Maa identify mo ang bullying sa tatlong charateristcs: intent, repetition and power. Ang mga taong nangbubully ay may intentsyon na manakit, either through pisikal or sa pananakit na pananalita, at paulit ulit nila itong ginagawa, maaring sa isa o iba ibang tao. 


Ang mga batang lalaki ay madalas nakakaranas ng pisikal bullying habang ang mga batang babae naman ay psychological bullying. Trend na, na ang madalas biktima ng nabu bully ay yung mga mahihinang bata, or yung walang tendency lumaban at magsumbong sa magulang. Takot or, hindi naiintindihan na nabubully na sila hanggang maramdaman na nila  ito. 


Bakit napakaimportante na malaman natin kung nabubully ang anak natin?

Napakalaki ng impact ng bullying sa bata. Maari yang mauwi sa emotional and mental health problems. Makakaapekto ito sa kanilang paglaki at maging sanhi ng depresion at anxiety. Worst that can happen may lead to suicide. Kaya kailangang kailangan na tanungin nyo ang inyong anak. Check with them once in a while. 

"What's going on at school?"

Tanungin nyo sila, kumusta ang araw nila? Hindi naman kailangan ng masinsinang intorregation. Yung sakto lang, magpakwento kayo kung ano ang nangyari sa school gaya ng activities, or events. Saka nyo unti untiing tanungin kung masaya ba sya or hindi sa school, or kung meron ba silang  gustong sabihin sa inyo. Mahalaga ang communication between you and your child. Hindi dahil busy tayo ay excuse na ito para makalimutan nating kausapin ang ating mga anak. 

Hindi naman makakabawas sa ating pahinga ang pangangamusta. Ilang minuto lamang naman ito. Mas mahalaga naman ang anak natin hindi ba? 


Turuan ang iyong mga anak tungkol sa kung ano ang itinuturing nilang mabuti at masamang pag uugali sa paaralan, sa komunidad, at online. Dapat ay bukas ang komunikasyon mo sa iyong mga anak para maging komportable silang sabihin sa iyo kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Napakaimportante nito kesa magsisi sa huli. Remember, mas importante ang anak mo. Nagtatrabaho ka dahil sa kanila at para sa kanila. Kaya huwag mo din silang i neglect. Maglaan ng oras para kausapin sila at kumustahin. Kaya mo yan, momsh. 


Note: abangan ang aking podcast about deep topic sa bullying. I follow ang aking Facebook Page para manotify sa links na aking ibibigay. 

Please follow my Facebook Page: Facebook
Please follow my Podcast: Podcast Ng Ina Nyo!! on Apple Podcasts
Please follow my YouTube Channel: Ang Praktikal Ng Ina Nyo - YouTube




.




Akala Ko Madali Lang Mag WFH! (Debunking The WFH Myths!)




Nung nag resign ako sa corporate job ko nung 2019 dahil naisip kong mas kailangan ako ng anak ko sa bahay. Excited na excited ako non dahil sabi ko, "mas madami akong magagawa." Imagine nung nagtatrabaho ka ng 8am to 5pm job, ang hirap diba? Kasi gigising ka ng 5am para mag-ayos, maligo, kumain. Kung nanay ka pati mga anak mo ipaghahanda mo rin yan para sa school bago pumasok. Magluluto ka ng breakfast, tapos andyan pa yung magpaplantsa ka pa ng uniform tapos nagsa shine ng sapatos habang nagsisipilyo. My gosh ang hirap ha!!


So, dumating yung pandemic. Eto na, nauso na ang WORK FROM HOME or Freelancing. Depende pa yan kasi may mga company na napilitan magpatupad ng work from home set up dahil nga lumala ang pandemic. Pero, may ilan ilan (actually, dumami) ang nagresign dahil nga sa pagaakalang madali lang.. Well, sa totoo lang madali lang naman talaga, dahil hindi mo nga naman kailangan gumising ng maaga para lang magwork di ba? At ang malupit pa don hindi ka na malelate dahil wala ka ng rason matrapik. Di ba bongga? Pero, pero, pero! Depende pa rin talaga. Ako kasi bilang nanay. Madami talagang ginagawa. So hindi parin ganon kadali. By the way sa aming mga nag resign ang tawag na sa amin ngayon ay Freelancer or Virtual Assistant sa karamihan. 


So, i-debunk natin ang mga MYTHS na yan dahil hindi naman porke't work from home ka eh, madali at masarap na ang buhay mo, oy! 

❌ Nakakapaglinis pa habang nagtatrabaho, nakakapagluto, napapaliguan parin ang mga kids, at nakakapag "Me Time"

✅ Sorry to say pero, hindi po ito totoo. Hindi dahil sa bahay ka nagtatrabaho e magagawa mo ng lahat ng household chores mo or magkakaron ka pa ng "me time" para sa sarili mo. Pag nagtatrabaho ka, maglalaan ka parin ng oras sa trabaho mo dahil TRABAHO YAN E. Natural dyan ka parin nakatutok di ba? Ano yun? Nagta type ka habang binabaligtad ang piniprito mong bangus sa kawali? Or, naglalampaso ka habang pinapagalitan ka ng boss mo sa kabilang linya (Pwede no? Para dun mo nalang ibuhos yung inis mo sa boss mo? Ahehehe.) Pero kidding aside, no! Hindi pwede yan. Kapag nagtatrabaho ka ang focus mo parin ay nasa deadline. Ang pinakamagandang gawin since hindi mo na naman kailangan bumyahe ng isa hanggang sa dalawang oras dahil sa trapik at makipag buno sa kapwa mo pasahero sa jeep papasok at pauwi. Ibudget mo nalang ang time mo. Para magawa mo yung dapat mong gawin. 

❌ Malaki ang kita sa freelancing 6 digits pwede ng bumili ng bahay at lupa isama mo pa ang kotse! Pwede na yang utangan!!

✅ Ayan tayo eh. No, sorry to say, hindi lahat. Alam nyo ba sa dami ng freelancers sa market ngayon, pababaan narin ang sweldo ng iba? Lalo pa ngayon at nakikita ng mga clients na ang dami dami ng freelancers worldwide. Makikita nyo sa Upwork (isa sa freelancing platforms) ang dami ng freelancers dyan. Pag naghanap ka ng trabaho dyan makikita nyo ang dami na rin nag aaply kaya kung minalas malas ka, pang 50++ applicants ka sa isang job post. Tapos malas malasin ka $3 per hour lang ang offer sayo. So hindi pa din ganun kalaki kasi kung iko compute mo halos P24,000 parin ang kita sa $3 per month depende sa exchange rate ng Dollar to Philippine Peso. Maari kang kumita ng malaki, kung maganda ang skill set mo, it requires a lot of hard work din syempre. Pwede ka namang kumuha ng more than one client kung kaya mo, apply lang ng apply. Pero make sure na kaya mo ang work load, dahil pag dumami ang client mo at hindi mo na maasikaso isa man dyan, mapapalitan ka agad. 


❌ Hindi naman kailangan ng experience dito e, kahit walang experience  gora na!

✅ Depende sa trabaho na gusto mong aplyan, merong mga agency ngayon na nag ooffer ng libreng training para matuto ka pero, minsan need parin nila ng merong experience. Lalo na kung ang work na makikita mo ay direct client. Ang mga client kasi na ito kaya sila kumukuha ng VA dahil busy na sila. Busy na nga sila e, kaya karamihan wala ng time to train you what to do. Expected na nila na pag nag apply ka alam mo na ang gagawin mo. Dapat you can stand on your own. Natural yan. Kaya make an effort to research, prepare and train yourself how to be a VA. Kung halimbawang may BPO experience ka, that's good! Makakatulong sa iyo yan. Madami narin ngayong mga small players na company ang nag a outsource sa freelancers. 

❌ Madali lang maghanap ng clients.

✅ Uy hindi ha! Sa dami ng freelancers ngayon ang hirap narin maghanap ng client. Hindi ganun kadali. Isipin mo, hindi lang mga freelancers sa Pilipinas ang kalaban mo. Andyan ang Nigeria, India, Australia, UK, US. Hindi lang sa Pilipinas uso ang freelancing. BUONG MUNDO. Kaya lahat yan kakumpetensya mo sa pagaapply sa isang job post or client. So, malamang depende yan sa skill set, rate ng sweldo at sa galing mong sumagot sa interview. Matik na yan. Kaya ang maganda mong gawin. Kung paumpisa ka palang, build your portfolio. Iba parin kasi pag may nakikita ang client na gawa mo, mas may edge. For example graphic artist ka. Gawa ka ng portfolio mo. Customer agent ka dati, mag record ka ng voice sample mo para madinig nila na, Whoa! Inglis aksint. Ilan lang yan sa mga pwede mong gawin to show na handa kang makipag compete sa world market. 

❌Stable job ito!

✅ Hindi lahat! Hindi porke't contract ay stable na. Yes,  need ng contract dahil syempre sa bawat deals dapat may kontrata hindi ba? Pero hindi ibig sabihin non ay stable or forever na. Unless na sinuwerte ka at big company na ang napasukan mo, at stable ang company na yon. Pero may ilan ilan na hindi. Lalo pa per client ang mapapasukan mo. Depende parin. 


❌ Magreresign na ako ang dali lang maging VA

✅ Basahin mo ulit yung blog na to mula sa umpisa tapos ikaw na ang sumagot kung myth ba ito or fact. Hehehehe. 


Huwag kang magpasilaw masyado sa ibang napapanood mo sa Facebook or Instagram about their freelancing jobs. Kasi sa real world, need parin talaga ng hard work kapag pinasok mo ang freelancing. Yes, malaking tulong ito. At maganda sa totoo lang. Pero hindi lahat nag sa succeed. Depende kasi yan sa motivation mo sa paghahanap ng client, skill at ability. Hindi porket si Juan ay nagtaumpay si Pedro ay ganun din. Kasi maaring si Juan ay mas matyaga kesa kay Pedro kaya malaki ang kita nya, hindi ba? 

Pwede namang test the waters muna. HUWAG ka munang mag resign sa trabaho mo ngayon. Mag part-time ka. Check mo kung ang mga work na available sa market ay para sa iyo or kaya mo. Kung kaya mo GORA! At saka wag na wag ka agad magreresign kung wala pang kapalit na trabaho! Golden rule yan. OKay??!!! 

Ciao! Tell next blog! 



  

Speech Delayed Ba Ang Anak Mo?




Simula nung nag umpisa ang pandemic nung 2020, at nagkaron ng lockdown, ang daming bata ang hindi nakakalabas at nakaka halubilo sa kapwa bata. Naging sanhi ito ng pagkawala ng social interaction na naging resulta ng pagka delay sa kanilang pananalita. Isa ang anak ko na lumaki sa pandemic era, at kalimitan dahil parehas kaming nagtatrabaho ng father nya, ang tanging napapaglibangan nya ay gadget. Although nakakapanood sya ng mga kid shows pero hindi parin sapat dahil wala syang nakakausap. Guilty ako bilang magulang at ngayon na medyo malaki na ang anak ko, ang hirap mag adjust. 


Pero imbes na sisihin ang ating mga sarili mas maganda parin na umisip tayo ng aksyon para matulungan sila. Paano ba natin sila matutulungan? Basahin ang ilan sa mga steps na ito na pinipilit kong i-implement sa aming buhay para makatulong sa anak ko. Sana ay makatulong din sa inyo. 


  • Maagang Paghahanap sa Sulusyon ng Problema: Minsan alam na natin ang problema kaso lang minsan stuck tayo sa pag iisip ng sulusyon. Kalimitan dahil sa hindi natin alam ang ating gagawin kaya hindi tayo nakakapag isip ng kung ano nga ba ang dapat gawin. Sa kakulangan ng resources, problema, dami ng gawain. Minsan hindi natin talaga naasikaso ang paghahanap ng tamang sagot. Kaya nauuwi tayo sa hindi na natin ito naaksyunan at hanggang sa susuko nalang tayo. Pero bilang magulang dapat umaksyon ka, dahil hindi pa kaya ng anak mo na kumilos sa kanyang sariling paa. Kung hindi mo alam kung paano mo matutulungan ang anak mo. Kumunsulta sa espesyalista. Ang isang speech-language pathologist (SLP) o isang developmental pediatrician ay maaaring magbigay sa iyo ng propesyonal na payo at pagsusuri. Mahalaga para sa mga bata na makatanggap ng maagang interbensyon upang makatulong sa inyong anak.




    • Active na Kominikasyon sa Inyong Tahanan: Mahirap man, magkaron tayo dapat ng oras na kausapin ang ating mga anak.  Aktibong makinig kapag sinusubukan nilang makipag-usap, magsalaysay ng kanilang pang-araw-araw na gawain, at magbasa ng mga libro nang magkasama. Malaking tulong ang komunikasyon sa pagitan ng magulang at mga anak dahiil tayo ang madalas nilang nakakasama. Lalo pa kung ang bata ay nasa edad ng 2 - 5 years old. 


                                                           

    • Ang Paggamit ng mga Visual Aid ay Makakatulong: Upang matulungan ang bata na mas maunawaan at makipag-usap, gumamit ng mga visual aid tulad ng mga larawan, chart, at flash card. Ang pagdaragdag ng mga visual sa proseso ng pag-aaral ay maaaring makatulong para maunawaan nila ang iyong itunuturo. Ng sa gayon hindi maging boring para sa kanila ang mga pagtuturo mo sa kanila ng mga bagong salita. Minsan may mga bata talagang visual learners. Mas napo proseso ng kanilang utak kapag nakikita nila sa picture or charts ang mga bagong words. Plus, nakaka ingganyo din ito para sa kanila. 


    • Palakasin ang komunikasyon: Mahalagang hikayatin ang bata na makipag-usap sa iyo sa anumang paraan na kaya niya, sa pamamagitan man ng mga salita, kilos, o expression ng mukha. Sagutin nyo sila kapag nagtatanong or mag react kayo pag nagkukwento sila kahit na hindi kayang gumamit ng buong pangungusap o malinaw na salita. Kahit ano man ang gusto nyang sabihin. Laging maging interasado, makakatulong na makita nilang may interesadong makinig sa kanila, nakaka boost ito ng confidence na magsalita para sa mga bata.

     
                                                    

    • Pag-aaral at Pagsasanay ng mga Pagsasanay sa Pagsasalita: Maari kayong magtanong sa mga speech therapists kung paano nyo mapa practice ang correction ng speech sa bahay. Maaaring gamitin ang iba't ibang pagsasanay upang mapabuti ang kalinawan ng pagsasalita, tulad ng mga tounge twister, paggalaw ng bibig, at paulit-ulit na tunog.  
           
             

    • Gawing Paraan sa Pagtuturo ang Paglalaro: Gumamit ng mga laro at aktibidad na naghihikayat sa pagpratice ng salita at isabay ang speech therapy sa oras ng paglalaro. Maaari kang gumamit ng mga laruan na nagpo-promote ng mga practice sa communication. Halimbawa, Role Playing Games, pagkanta, at paggamit ng mga laruang makakapag enrich ng kanilang memorya gaya ng word search at puzzles. 
                                        
            



    • Ang Pinakamahalagang Bagay na Dapat Tandaan ay ang maging Matiyaga at ang SuportaAng progress ng inyong anak ay maaring matagal or mabilis depende yan dahil iba iba ang capability ng bawat bata. 
    • Importante ay tiyakin na mahaba ang ating pasensya, handa tayong sumuporta, at tayo mismo ang gagawa ng move na magpractice sila sa bahay. Napakahalaga nito lalo na ito ay dapat manggaling sa atin.
                            

    • Subaybayan ang Progreso ng Iyong Anak: Ang pagsubaybay at pagsasaayos ng mga strategies kung kinakailangan ay dapat gawin mo nang regular. Dapat na  tatrack mo ang kanilang progress. Napaka importante nito dahil kailangan mo malaman kung need nyo na bang mag move forward sa mas advance na pagtuturo or practice. Mahalagang magtanong ka sa speech therapist. Ang time na ginugugol nila sa speech center ay napaka ikli lamang kumpara sa itinatagal nila sa bahay. Kaya sa bahay talaga matuto ang anak mo kaya dapat i track mo yan. 
                                            


     Tandaan lamang natin na it's important to tailor interventions to a child's specific needs and abilities because every child is different at ang patuloy na suporta ng mga mahal sa buhay gaya natin, at propesyonal na patnubay na kailangan ng isang batang may speech delay ay maaaring lubos na makatulong sa kanilang pag-unlad. Napakahalaga na ibigay natin ng buong buo ang suporta na kailangan nila dahil hindi pa nila kayang tumayo sa kanilang sariling mga paa. At tayo bilang kanilang mga magulang, ay responsable sa kanilang development. Kaya natin ito. Walang imposible kung pagtutulungan. Please listen to the podcast below